My Homeworks: Mga Tanawin Sa Pilipinas
Mga Magagandang Tanawin sa Pilipinas. Clipping is a handy way to collect and organize the most important slides from a presentation. Posts about mga magagandang tanawin sa Pilipinas written by Siningguelas. My Homeworks Assignments in Sibika, Science, English. Home., mga magagandang tanawin sa pilipinas, mga tanawin sa pilipinas, tanawin sa pilipinas.
Ang Pilipinas ay kilala sa pagkakaroon nito ng mga likas na yaman na talaga namang napakaganda at maipagmamalaki sa ibang bansa kung kaya naman maraming dayuhan ang ninanais na magpunta sa Pilipinas. Sa Pampanga marami tayong makikitang mga magagandang tanawin at pasyalan na kung saan tayo ay malilibang at may matututunan sa mga lugar at sa mga taong ating makikita at makakasalamuha. Sa pahinang ito maipapakita ang ilan sa mga sikat na magagandang tanawin at pasyalan na makikita natin sa Pampanga. Magagandang Tanawin at Pasyalan Ang Gitnang Luzon ay hitik sa mga magagandang tanawin lalo na sa lalawigan ng Pampanga. Kung tutuusin, wala ka ng hahanapin pa sa nasabing lalawigan dahil mayroon itong mga karagatan, kabundukan, resorts at iba pang mga pasyalan. Katulad ng Puning Hot Springs, Fontana Water Park, The Sandbox, Dinosaurs Island at ang kilalang-kilala na Poracay Island Resort.
Puning Hot Springs: Ito ay matatagpuan sa Brgy. Sapang Bato sa bayan ng Angeles City sa lalawigan ng Pampanga. Sa lugar na ito marami tayong matatagpuang hot springs at dalawang heated pools. Mayroon din ditong sand spa at mudpack area na kung saan pwedeng makapag- spa. Ang putik na ginamit sa mudpack ay galing pa sa Mount Pinatubo. Dapat itong mapuntahan ng mga turista dahil sa sobrang tahimik at maaliwalas nitong lugar. Fontana Water Park, Clark Freeport Zone: Ito ay isang water theme park, resort and casino.
Sa lugar na ito ay maari tayong makapag overnight ng ilang araw dahil sa mga villas o parang maliliit na bahay dito. Bukod sa casino na mapupuntahan nang ilang nakatatanda, marami pang ibang mapupuntahan at makikita rito. At siyempre naman di mawawala rito ang mga sikat nilang mga pools tulad ng wave pool na siyang pinakasikat sa lugar na ito. Kaya nitong mag- produce ng anim na iba’t ibang waves na umaabot ng tatlong talampakan. Mayroon ding Lazy River, malalaking slides, hot spring, Olympic size pool at water factory para sa mga kabataan. Ito ay dapat puntahan ng mga turista dahil sila mag-eenjoy at matutuwa sa mga iba’t ibang water features nito. The Sandbox, Porac: Ito ay isang outdoor activity na pwedeng mag team building.
Ang pinakasikat na attraction rito ay ang roller coaster zipline na may habang 180 m at taas na 12 m. Ito ang pinakaunang roller coaster zipline sa bansa. Ang pinakamalaking swing sa bansa ay matatagpuan din dito.

Banaue Rice Terraces
Marami pang iba katulad ng Aerial Walk Challenge, Rock Climbing, at Rapelling. Dapat itong mapuntahan ng mga turista dahil bukod sa nakakalilibang ang activities nila, sobra pa itong nakaka- challenge. Dinosaurs Island: Sa lugar na ito marami tayong makikita na life-size dinosaurs na minsan ay gumagalaw pa. Habang kayo’y umiikot sa lugar, may mga tauhan silang naka- costume na nang-gugulat at humahabol na tila kayo ay tutuklawin. May mga Fossil Museums ding matatagpuan dito bukod pa sa 4D experience at Jurassic Safari Ride. Sa Jurassic Safari Ride, may mga tauhan silang manggugulat, hahabulin, akmang aagawin at gagalawin ang inyong sasakyan habang ito ay umiikot at umaandar. Dapat itong mapuntahan ng mga turista dahil mabibigyan sila ng dadag kaalaman tungkol sa mga dinosaurs at kung paano sila namuhay noon.
Mga Tanawin
Poracay Resort: Dito sa lugar na ito ay may mga swimming pools at isang malaking lagoon na kung saan pwede ka sumakay sa isang bangka na nagkakahalaga ng 150 pesos per hour. Meron rin ditong zipline. At kung gusto niyo mag- stay dito ng ilang araw ay may mga villas sila na nakatayo dito. Dapat itong mapuntahan ng mga turista para sa sobrang nakaka- enjoy na experience at sobrang nakaka relax na paligid.